2310
September 8, 2025 · 11:04 pm

Kay lamig ng simoy ng hangin
Mga tala’ng yumayakap sa akin
Kasabay ng aking pagpikit
Suminag ang pait, pag-asa’y ‘di masilip

Sa gitna ng gabing kay dilim
Naghihintay mula takip-silim
‘Di susuko sa pagtitiwalang
Ikaw ay makakamtan nang hindi panandalian

Replies are visible only to administrators.

Post a reply